^

Probinsiya

Street vendor hinoldap, baril peke

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Arestado ang isang lalaki makaraang mang-holdap umano ng isang babaeng street vendor na inorderan pa nito ng mga street foods, matapos tutukan ng isang pekeng baril nitong Biyernes ng hapon sa Brgy. Salinas 2, Bacoor City.

Nahaharap sa kasong robbery hold-up using gun replica o paglabag sa RA 10591, ang nakakulong na suspek na si alyas “Felipe”, 46-anyos, construction worker, residente ng Brgy Habay 1, Bacoor City Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2:30 ng hapon ng holdapin ng suspek ang biktimang si Jovie  Neri, 45-anyos, may-ari ng mga street foods at residente ng Lessandra Subd., Brgy. Salinas 2, Bacoor City, Cavite.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakapuwesto ang biktima ng kaniyang mga tindang street foods sa nasabing lugar nang dumating ang suspek.

Bumili pa ang suspek ng halagang 60 pesos at habang niluluto na ng biktima ang order ng suspek, dito na naglabas ng isang baril ang suspek at nagdeklara ng holdap.

Habang nakatutok sa biktima ang baril, tinangay ng suspek ang cellphone nito at perang kanyang kinita ng bago mabilis na tumakas.

Agad nag-report sa barangay ang biktima at sa follow-up operation, naaresto ang suspek at dito nakumpiska ang baril na ginamit sa panghoholdap na nadiskubreng peke o replica lamang pala ito ng caliber 45. 

vuukle comment

VENDOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with