^

Probinsiya

10 chief of police sa Calabarzon sinibak!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
10 chief of police sa Calabarzon sinibak!
Nabatid na naapektuhan sa pagbalasa ang 9 chief of police sa Batangas, at isa sa Laguna para sa unang bugso ng realignment ng Calabarzon Police.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Sampung hepe ng pulisya ang inalis sa puwesto sa isinagawang “major reshuffle” ng Calabarzon Police sa nasabing rehiyon.

Nabatid na naapektuhan sa pagbalasa ang 9 chief of police sa Batangas, at isa sa Laguna para sa unang bugso ng realignment ng Calabarzon Police.

Ang realignment ng rank position para sa chief of police at ang istriktong pagpapatupad ng “one-strike policy” ng Calabarzon Police ang mga dahilan ng pagtatanggal sa puwesto ng 10 hepe ng pulisya.

“The turnover is not just a change in leadership but an opportunity to renew our commitment to the people of Batangas and We are confident that the new Chiefs of Police will bring fresh perspectives and innovative approaches to ensure the safety and well-being of our communities,” ayon kay Col. Jack Malinao, Batangas police director.

Ang panibagong mapapalitan na hepe ng pulisya  sa Batangas ay magmumula sa munisipalidad ng Calaca, Na­sugbu, Padre Garcia, San Luis, San Nicolas, Sta. Teresita, Tingloy, Ibaba at San Pascual.

Sina Lt. Cols. Radam Ramos at Ruel Lito Fronda ay nagsimula nang umupo sa kanilang puwesto bilang Chief of Police ng Calaca at Nasugbu, ayon sa pagkakasunod.

Sina Majors Raymon Dayagan ay sa Padre Garcia; Josep Morales (San Luis), Julius Almeda (San Nicolas), Richard De Guzman (Sta. Teresita) Major Emil Mendoza (Tingloy), Eugenio Solomon (Ibaan) and Ricky Fornolles (San Pascual).

Magugunita na sinibak kamakailan si Lt. Col. Milany Martirez, ng Calamba City police, sa kanyang puwesto dahil sa pagtaas ng crime rate sa kanyang area of jurisdiction. Siya ay pinalitan ng kanyang partner na si Lt. Col. Titoy Casidsid Cuden bilang bagong hepe ng Calamba City police.

CALABARZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with