Mag-ama niratrat
CAVITE, Philippines – Napaslang ang isang 40-anyos na mister habang sugatan naman ang kaniyang anak na babae matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen suspek sa bahagi ng Brgy. Panamitan sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa. Idineklarang patay sa St. Martin Hospital si Manolo Ignao habang ginagamot naman si Marie Nicol, 7, kapwa residente sa Brgy. Tabon. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. John Bulalacao, minamaneho ng matandang Ignao ang Nissan California (PPH 922) sakay ang kaniyang anak nang dikitan at pagbabarilin ng gunmen.
- Latest
- Trending