PNP station ni-raid ng NPA
MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga rebeldeng New People’s Army na naka-camouflage uniform ang himpilan ng pulisya kung saan tinangay ang mga baril habang apat namang pulis ang ginawang human shield sa bayan ng Malitbog, Bukidnon noong Martes ng hapon.
Lumilitaw na nagpanggap na mga sundalo ang mga rebelde kaya napasok ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Malitbog.
Hinostage at ginawang human shield ang mga pulis na sina SPO1 de la Rosa, SPO1 Parenio at P/Insp. Janio subalit pinalaya rin sa bahagi ng Sitio Villa Manga sa Barangay Kalingking. Natangay naman ng mga rebelde ang walong cal 5.56mm, M16 rifles, tatlong 9mm pistol, 357 magnum, mga bala, magazines, camouflage uniform, pistol rigs at mga personal na kagamitan ng mga pulis.
Bunga nito, agad namang sinibak ni Police Regional Office-10 Director P/Chief Supt. Conrado Laza ang hepe ng Bukidnon PNP na si P/Senior Supt. Cristeto Gonzalodo at P/Senior Inspector Alexander Eugenio, hepe ng Malitbog PNP.
- Latest
- Trending

















