^

Probinsiya

19 sugatan sa road mishap

-

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Philippines – Labinsiyam sa 39 na pasahero ang iniulat na nasugatan matapos sumabog at tumagilid  ang pampasaherong bus sa highway na sakop ng Sitio Calauag, Barangay Lumangbayan sa Calapan City, Oriental Mindoro kahapon ng madaling-araw. Ayon kay P/Supt. Christopher Abecia, hepe ng Calapan City PNP, lulan ang mga biktima ng Ceres bus (DXU- 921) ni Darly Dave Lim nang sumabog ang unahang gulong nito kung saan sumadsad bago tumagilid. Isinugod sa Maria Estrella Hospital sa Calapan City ang mga biktima kung saan apat-katao ang nanatiling ginagamot habang ang iba naman ay nag-uwian matapos ang medical check-up. Napag-alamang papuntang Calapan City ang bus mula sa Iloilo nang maaksidente. Sumuko naman ang drayber ng bus para harapin ang isasampang kaukulang kaso.

vuukle comment

AYON

BARANGAY LUMANGBAYAN

CALAPAN CITY

CHRISTOPHER ABECIA

DARLY DAVE LIM

ILOILO

ISINUGOD

MARIA ESTRELLA HOSPITAL

ORIENTAL MINDORO

SITIO CALAUAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with