^

Probinsiya

Buhawi/flashflood: 2 patay, 3 pa nawawala

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi habang tatlo pa kabilang ang isang 9 buwang sanggol ang nawawala makaraang manalasa ang buhawi at flashflood sa Sitio Matagdungan, Bukal, Nabunturan, Compostela Valley nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Sr. Supt. Aaron Aquino, Provincial Director ng Compostela Valley Police ang nasa­wing biktima na si Kristine Berunguis, 4-anyos at Pablo Tibay, minero; pawang magkakasunod na narekober ng search and retrieval team ang bangkay.

Ang mga nawawala ay nakilala namang ang magkakapatid na sina Princess Mae Berunguis, 7; Recil Berunguis, 6 at ang 9 buwang sanggol na si Angel Berunguis; mga kapatid ng batang nasawi sa insidente.

Nasugatan naman sa insidente ang mga magulang ng magkakapatid na sina Rico at Maricel Berunguis.

Sinabi ni Aquino na dakong alas-8:30 ng gabi ng manalasa ang buhawi at flashflood sa nasabing lugar kung saan kapwa tinamaan ang tahanan ng magkapitbahay na sina Tibay at Berunguis.

Sa kasamaang palad ay kasamang natangay ng bahay ng mga itong inanod ng malakas na agos ng tubig baha  ang mga nawawalang biktima habang nagawa namang makalangoy at makaligtas ng mag-asawa.

Patuloy ang search and rescue operations sa mga nawawalang biktima.

AARON AQUINO

ANGEL BERUNGUIS

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELA VALLEY POLICE

KRISTINE BERUNGUIS

MARICEL BERUNGUIS

PABLO TIBAY

PRINCESS MAE BERUNGUIS

PROVINCIAL DIRECTOR

RECIL BERUNGUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with