^

Probinsiya

Mag-ama lunod sa lawa

- Ni Mer Layson -

RIZAL ,Philippines  – Patay na nang matagpuan ang mag-ama na unang iniulat na nawala sa lawa ng Laguna habang sakay ng bangka sa bayan ng Binangonan, Rizal kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mag-ama na sina Alipio Aragoncillo at Melody, 8, kapwa nakatira sa Barangay Sapan, Talim Island, Binangonan.

Batay sa police report, lumilitaw na naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa lawa ng Laguna sa Barangay Sapan.

Ayon kay Abelino Disclar, kasalukuyan niyang inihahanda ang mga kahoy sa bangkang de motor para ibiyahe sa Laguna nang lumapit ang mag-ama at nakiusap na makiangkas.

Dahil sa maliit ang bangka, tinanggihan ni Disclar ang pakiusap ng mag-ama subalit kalaunan ay napapayag din siya dahil sa awa sa mga ito.

Gayon pa man, habang nasa kalagitnaan ng lawa, biglang umihip ang malakas na hangin kung saan sinabayan pa ng mala­laking na alon kaya tumaob ang bangka at tuluyang lumubog.

Nakalangoy naman si Disclar sa pampang ngunit hindi na niya namataan pa ang mag-ama.

Humingi naman ng tulong si Disclar sa mga awtoridad subalit patay na ang mag-ama.

vuukle comment

ABELINO DISCLAR

ALIPIO ARAGONCILLO

AMA

AYON

BARANGAY SAPAN

BATAY

BINANGONAN

DAHIL

DISCLAR

TALIM ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with