Negosyante nilikida
March 3, 2011 | 12:00am
QUEZON, Philippines – Napaslang ang negosyanteng mister makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Sitio Centro, Barangay Lusacan sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng umaga.
Napuruhan sa ulo si Eduardo Colombo, 54, ng Villa del Garces sa nasabing bayan. Hindi naman idinamay ng killer ang misis at apo ng biktima na lulan ng pulang Mitsubishi Adventure na may plakang VFB-834. Nabatid sa police report na bahagyang inihinto ng biktima ang kanyang sasakyan kung saan natiyempuhan ng gunmen.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest















