^

Probinsiya

Negosyante, kritiko binalaan ng alkalde

- Ni Randy Datu -

ZAMBALES ,Philippines — “Traba­ho lang, walang personalan,” ito ang mensahe ni Iba Mayor Ad Hebert Deloso sa kanyang mga kritiko na pinalalaki ang usapin at problema sa pamilihang bayan ng Iba. 

Ayon kay Deloso, hayagan nang nakikisawsaw sa isyu ng palengke ang kanyang ilang kritiko kabilang ang mga kilala sa politika upang siya ay siraan sa taumbayan.

Nagbabala si Deloso sa mga tindero‘t tindera na iwasang magtayo ng tindahan sa loob ng palengke kung saan hindi binigyan ng permiso para mabuksan dahil sa nakaambang pa­nganib na gumuho.

Gayon pa man, ilang personalidad na politiko ang nagpilit na buksan ang ilang bahagi ng palengke sa kabila ng babala kaya naganap ang trahedya.

Dahil dito, sinabi ni Ma­yor Deloso na pinag-aaralan na ng kanyang tanggapan ang mga hakbangin upang makasuhan ang lahat ng may kinalaman sa iligal na operasyon ng palengke bago ito nasunog.

Muling nakiusap si Mayor Deloso sa mga mangangalakal na lumipat na sa bagong pamilihang bayan.

Kasunod nito, ipatutupad na ang kaukulang parusa laban sa sinumang lalabag sa ordinansa na nagbabawal na magtinda sa lumang palengke.

AYON

DAHIL

DELOSO

GAYON

IBA MAYOR AD HEBERT DELOSO

KASUNOD

MAYOR DELOSO

NAGBABALA

TRABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with