^

Probinsiya

2 bata, 2 pa dedo sa pananambang!

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Apat na Moro ang patay kabilang ang isang Grade 3 pupil at 14-anyos na Grade 7, sa magkahiwalay na pamamaril sa tatlong magkakalapit na bayan sa Central Mindanao sa loob lamang ng 24 oras.

Ang dalawang menor-de-edad na magkamag-anak ay agad nasawi matapos tamaan ng mga bala sa katawan sa ambush nitong Martes ng madaling araw sa Barangay Pagangan, Aleosan, Cotabato.

Sinabi ng Cotabato Provincial Police Office at local exe­cutives sa Aleosan kahapon na sakay ang dalawang bata ng motorsiklo at patungo sa Sitio Tubak, Barangay Pagangan, nang sila ay tamba­ngan at paulanan ng bala ng mga lalaking nakaposisyon sa gilid ng kalsada na agaran nilang ikinasawi.

Samantala, nitong Martes ng gabi, inam­bus din sa Brgy. Kangaun, Datu Piang, Maguindanao del Sur ang magsasakang Moro na si Zukarno Sandalio Bandato, na nasawi dahil sa tinamong dami ng tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Captain Steffie Salanguit, spokesperson Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na si Bandato, kanyang misis, at isa pang babae ay magkakasamang sakay ng motorsiklo nang sila ay pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa highway ng ­Barangay Kanguan sa Datu Piang.

Bagama’nagtamo ng mga seryosong mga tama sa katawan, nakaligtas sa kamatayan ang misis pero ng kasama nilang babae na nadamay sa posibleng target ay minalas na masawi dahil sa rami ng balang tinamo sa katawan.

Sinabi ni Salangit na tumakas ang mga attackers gamit ang minivan na walang plaka.

CENTRAL MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with