^

Probinsiya

Pupil ginulpe ng guro

Nila - Tony Sandoval at Joy Cantos -

QUEZON , Philippines — Isang 10-anyos na Grade 5 pupil ang binugbog ng guro matapos na mairita sa kakulitan ng kaniyang estudyante sa Barangay 10 sa Lucena City noong Lunes ng hapon. Namamaga pa ang mukha at hirap na lumakad nang samahan ng kaniyang mga magulang na dumulog sa himpilan ng pulisya kamakalawa ang biktimang nagpatago sa pangalang Zaren. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na pansamantalang hindi tinukoy ang pangalan na nagtuturo sa Lucena East 7 Elementary School sa nabanggit na barangay. Ayon sa imbestigasyon, nagalit ang suspek dahil sa kakulitan ng kaniyang mga estudyante kung saan ay kumuha ito ng patpat at pinaghahampas ang biktima. Ipinarating naman ng mga magulang ng biktima sa principal ng eskuwelahan ang insidente at ipinagharap ng kasong kriminal.

vuukle comment

AYON

ELEMENTARY SCHOOL

IPINARATING

ISANG

KANIYANG

LUCENA CITY

LUCENA EAST

NAMAMAGA

PINAGHAHANAP

ZAREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with