^

Probinsiya

3 inatado sa Morong

- Ni Mer Layson -

RIZAL, Philippines  – Nabahiran ng dugo ang masayang kwentuhan ng tatlong kalalakihan matapos pagtatagain ng kanilang kapitbahay kung saan dalawa ang nasawi habang kritikal naman ang isa sa karahasang naganap sa Barangay Maybangcal sa bayan ng Morong, Rizal kamakalawa ng umaga. Kinilala ang dalawang napatay na sina Ronnie Boy “Buboy” Gracilla, 20; at Vivencio “Putong” Andaya Jr., 32, kapwa nakatira sa Sitio Dona-Sta. Ana sa nabanggit na barangay habang agaw-buhay naman sa Unciano Medical Center si Jun-Jun Gracilla. Ayon kay P/Senior Inspector Alfredo Dulay Jr., hepe ng Morong PNP, papatakas na ang suspek na si Ronnel Martinez, 29, nang madakip ng pulisya. Sa ulat ni SPO4 Jesus Jesuitas, naganap ang krimen dakong ala-una ng madaling-araw sa loob ng compound ng mga biktima. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na paghihiganti ang motibo dahil matagal na may alitan ang suspek at ang mga biktima.

vuukle comment

ANDAYA JR.

AYON

BARANGAY MAYBANGCAL

JESUS JESUITAS

JUN-JUN GRACILLA

RONNEL MARTINEZ

RONNIE BOY

SENIOR INSPECTOR ALFREDO DULAY JR.

SITIO DONA-STA

UNCIANO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with