^

Probinsiya

200 PNP elite forces isinabak vs Sayyaf

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawang daan (200) elite forces ng pulisya ang isinabak laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa  lalawigan ng Basilan. Ayon kay PNP Directorate for Integrated Police Operations – Western Mindanao Director P/Chief Supt. Felicisimo Khu, dumating na sa Basilan ang 2 company ng elite forces. Ang mga bandidong Abu Sayyaf ay siyang nasa likod ng kidnap for ransom, pamumugot ng ulo sa mga hostages, ambushcades at pambobomba. Ayon kay Khu, tutulong ang nasabing mga elemento ng PNP strike force sa pag­habol sa Abu Sayyaf Group na pinamumunuan ni Basilan based Commander Furuji Indama at Nurhasan Jamiri. Nabatid na isang kumpanya ay mula sa Central Luzon Public Safety Battalion habang ang isa pa ay mula naman sa Police Regional Office (PRO) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao  kung saan ang mga ito ay itatalaga sa mga lungsod ng Lamitan, Isabela at bayan ng Maluso; pawang sa Basilan. 

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AUTONOMOUS REGION

AYON

BASILAN

CENTRAL LUZON PUBLIC SAFETY BATTALION

CHIEF SUPT

COMMANDER FURUJI INDAMA

FELICISIMO KHU

INTEGRATED POLICE OPERATIONS

MUSLIM MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with