^

Probinsiya

Mister ginilitan ni misis

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 26-anyos na mister makaraang ginilitan ng kanyang misis sa gilid ng waiting shed sa Barangay Hindi sa bayan ng Bacacay, Albay kamakalawa ng gabi.

Naisugod sa Rural Health Unit si Bernardo Adornado 26, habang naaresto naman ang suspek na si Charmaine Adornado, 20, 2nd year college at kapwa nakatira sa Barangay 5 ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na lulan ng motorsiklo ang mag-asawa nang sumiklab ang pagtatalo kaya pansamantalang inihinto at ipinarada ng biktima ang sasakyan.

Nabatid na umabot sa mainitang pagtatalo hanggang sa makatiyempo ang suspek na ginilitan ang kanyang mister na nakaupo sa motorsiklo.

Dito na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang misis para ipaalam ang nangyari sa kanyang mister kung saan pinagtakpan ang naganap na krimen.

Sa salaysay ng misis sa pulisya, lumilitaw na nagtungo ang kanyang mister sa palayan at nang bumalik ay umaagos na ang dugo sa leeg kaya niya isinugod sa ospital.

Subalit dahil sa hindi maayos na salaysay ng suspek ay kaagad na nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya kung saan nadiskubre ang tunay na suspek.

Narekober naman ng pulisya ang cutter na ginamit sa krimen matapos ituro ng suspek ang pinagtapunan may ilang metro lamang ang layo sa crime scene.

vuukle comment

ALBAY

BACACAY

BARANGAY HINDI

BERNARDO ADORNADO

CHARMAINE ADORNADO

DITO

KASALUKUYANG

LEGAZPI CITY

NABATID

RURAL HEALTH UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with