2 nagpatayan dahil sa lupa
NUEVA ECIJA, Philippines – Dalawang mister ang kapwa namatay makaraang magbarilan dahil sa alitan sa lupa sa Barangay Betania sa bayan ng Laur, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nagduwelo na sina Noel Turay y Salva, 38, ng Barangay Betania at Gilberto Jose y Gallardo, 37, ng Barangay Santor, Bongabon, Nueva Ecija. Sugatan naman at naisugod sa Bongabon District Hospital si Elizabeth Espanola. Lumilitaw na nagkrus ang landas ng dalawang kapwa may Abril sa bahay ni Jaime Gante kung saan naganap ang patayan. Ayon sa pulisya, may matagal nang away ang dalawa kabilang na ang alitan sa lupa kaya kapwa nagpasalubong kay kamatayan.
- Latest
- Trending