^

Probinsiya

Kuya pinugutan ni bunso

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines — Halos maputol ang leeg ng isang 28-anyos na magsasaka matapos na tagain ng kanyang nakababatang kapatid na nagtanggol sa inang tangkang patayin ng una, kamakalawa ng gabi sa Sitio Inabuhan, Barangay Bolo sa bayan ng Mulanay, Quezon.

Patay agad sa pinangyarihan ng krimen si Reynante Villaruel y Regencia, habang arestado naman ang suspek na si Roberto Villaruel, 25.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Noel Palmiano, lumilitaw na dumating sa kanilang bahay ang biktimang lango sa alak at nagwawala hawak ang matalim na itak.

Kasunod nito ay tinaga ang kanyang ina subalit nakailag at nagtatakbo ang matanda palabas ng kanilang bahay.

Nang mamataan ng suspek ang ginawa ng kanyang kuya ay tinangka nitong umawat subalit maging siya ay sinalubong at hinabol din.

Sa puntong iyon ay nagtungo sa kusina ng bahay ang suspek at kumuha ng gulok saka hinarap ang kuya at tinaga sa leeg.

vuukle comment

BARANGAY BOLO

KASUNOD

MULANAY

NANG

NOEL PALMIANO

PATAY

QUEZON

REYNANTE VILLARUEL

ROBERTO VILLARUEL

SITIO INABUHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with