^

Probinsiya

Magpinsan inutas sa welding shop

- Artemio Dumlao -

BANGUED, Abra, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa magpinsang lalaki habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga ’di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Zone 7 sa bayan ng Bangued, Abra noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga napaslang na sina Ro­dri­­go Tagudar Jr. at Orlando Tagudar, na­da­may naman ang mag-ina ni Orlando na sina Janeth Tagudar, 44, kawani ng DAR at Jay Allan Tagudar, 21.

Si Rodrigo na nasapol sa tiyan ay namatay habang ginagamot sa Abra Provincial Hospital. Ayon ulat, si Rodrigo ay nakaupo sa labas ng kanilang welding and vulcanizing shop nang ratratin habang si Orlando at ang kanyang mag-ina ay pinagbabaril sa loob ng kanyang bahay na katabi ng welding shop.

Si Orlando ay napuruhan sa ulo habang si Janeth ay tinamaan sa kaliwang tenga at si Allan naman ay sa mukha at likurang bahagi ng katawan.

vuukle comment

ABRA

ABRA PROVINCIAL HOSPITAL

AYON

BANGUED

JANETH TAGUDAR

JAY ALLAN TAGUDAR

ORLANDO

ORLANDO TAGUDAR

SI ORLANDO

SI RODRIGO

TAGUDAR JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with