^

Probinsiya

Army truck naging bridal car

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Philippines  – Sa pambihirang pagkakataon sa gitna ng matinding pagbaha dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan, nagsilbing bridal car ang isang truck ng Philippine Army sa isang kasalan sa lungsod na ito.

Labis naman ang galak ng magsing-irog na sina Brenda Lorenzo ng Guinobatan at ng napangasawa nitong si Ryan Cubilla, taga Daraga; pawang ng lalawigang ito at sa wakas matapos na ma­antala sanhi ng flashfood at landslide ay matuloy na rin ang kanilang kasal. Ayon kay Brenda na ang kanyang kasal ay itinakda sa St. Gregory D Great Cathedral sa Legazpi City kung saan binaha ang hotel na tinutulu­yan nito bunga ng mga pag-ulan.

Dahil sa pag-aalala ng bride matapos na bahain ang hotel na kaniyang tinuluyan ay nanawagan ito sa Radyo DZGB upang humingi ng tulong sa mga opisyal ng Phil. Army. Kaagad naman na tumugon si Col Romeo Ayson ang Asst. Brigade Commander ng 901st Brigade at ipinadala dito ang truck sa Casa Blanca kung saan doon nakatuloy ang bride. Si Ayson ay nagsilbing instant ninong sa kasalan matapos di makadalo ang kinuha ng mag-asawa para sa kanilang kasal na na-trap ng baha.

BRENDA LORENZO

BRIGADE COMMANDER

CASA BLANCA

COL ROMEO AYSON

D GREAT CATHEDRAL

LEGAZPI CITY

PHILIPPINE ARMY

RYAN CUBILLA

SI AYSON

ST. GREGORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with