^

Probinsiya

Retarded nalitson sa sunog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Natusta sa sunog ang isang 39-anyos na lalaking may diperensya sa pag-iisip makaraang makulong ng apoy sa nasusunog nilang tahanan sa Talisay City, Cebu kamakalawa.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang kinilalang si Glen Manggila, 39, ng Barangay Mang­haway ng lungsod na ito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagsimula ang sunog dakong alas- 10 ng umaga sa loob mismo ng tahanan ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid na bago naganap ang sunog ay tinangka na umano ng biktima na laslasin ang kanyang pulso subalit napigilan ito ng kanyang ina nang maagaw ang hawak nitong kutsilyo.

Tumakbo palabas ng bahay ang ina ng biktima upang humingi ng tulong sa mga kapitbahay subalit la­king gulat nito ng pagbalik ay nagliliyab na ang kanilang bahay.

Ang bangkay ng biktima ay narekober matapos na maapula ang apoy makalipas ang ilang oras. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kasong ito. 

vuukle comment

BARANGAY MANG

CAMP CRAME

CEBU

GLEN MANGGILA

ISINASAILALIM

NABATID

NATUSTA

TALISAY CITY

TUMAKBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with