Konsehal todas sa ambush
LAGUNA, Philippines — Patay ang isang city councilor habang sugatan naman ang kanyang driver matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa lungsod ng Biñan kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Superintendent Joel Pernito, hepe ng Biñan PNP ang mga biktimang sina City Councilor Diego Casas at ang kanyang driver na si Luisito Caipan ng nasabing lungsod.
Ayon sa report, papauwi na sina Casas sakay ng Toyota Revo nang tambangan ng 2 armadong suspek na sakay ng isang motorsiklo pagsapit sa may Juvilation Subdivision, Barangay Zapote, Biñan, Laguna bandang alas-5:10 ng hapon.
Naisugod pa sa Perpetual Help Hospital sina Casas at Caipan pero idineklarang patay ang konsehal dahil sa mga tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.
Nagtamo naman ng sugat si Caipan at kasalukuyang nagpapagaling sa nasabing ospital.
- Latest
- Trending