25 tripulanteng Intsik nilamon ng dagat
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang cargo vessel na may lulang 25 tripulanteng Intsik ang iniulat na nawawala matapos lumubog sa karagatang na nasa pagitan ng Taiwan at Batanes, ayon sa ulat kahapon.
“We have first sent an aerial mission to locate possible survivors. Our men are having difficulty penetrating the area due to the bad weather,” pahayag ni Capt. George Usarbia, district commander ng Coast Guard na nakabase sa Northern Luzon.
Kasalukuyang inaalam ng rescue team ang kalagayan ng 25-katao na pawang mga Intsik na lulan ng MV Nasco Diamond kung ang mga ito ay nakaligtas sa paglubog ng barko.
Nabatid na biglang naglaho sa karagatan ng Batanes ang cargo vessel noon pang Martes (Nob. 9) kung saan patungo sana sa China nang mawala sa radar screen. “We are hoping that the crew members are still alive,” dagdag ni Usarbia.
Ang Batanes ay nasa pagitan ng South China Sea at Pacific Ocean kung saan katatapos lamang na madaanan ng hindi magandang lagay ng panahon sa nakalipas na mga araw bunsod ng tinatawag na tail end of a cold front.
Nakiisa na rin ang Japanese Coast Guard sa search and rescue team sa paghahanap sa lumubog na barko.
- Latest
- Trending