Kalinga idineklarang insurgency free
MANILA, Philippines - Idineklara ng Armed Forces of the Philippines na insurgency free na ang Kalinga matapos na iturn-over ang Internal Security Operations (ISO) sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Col. Yerson Depayso, commander ng Army’s 501st Infantry Brigade, itinurn-over na ng kaniyang tropa kay Kalinga Gov. Jocel Baac ang ISO operations matapos na mapilay ang operasyon ng mga rebeldeng New People’s Army.
Nabatid kay Depayso na lumagda sila ni Baac sa Memorandum of Agreement bilang simbolo na insurgency free na ang Kalinga.
Susuporta na lamang ang AFP sa lokal na pamahalaan sa kampanya laban sa insureksyon dahil hindi na naman ito problema sa lugar.
Nilinaw naman ni Brig. Gen. Pompeo Limbo, assistant division commander ng 5th Infantry Division na ang hakbang ay hindi nangangahulugan na inaabandona na ng militar ang misyon upang bigyang proteksyon ang taumbayan sa lahat ng banta sa seguridad partikular na ang NPA.
Magugunita na nauna nang idineklara ng AFP na insurgency free na ang Marinduque, Cavite, Guimaras, Siquijor, Biliran, La Union, Bohol, Aurora, Cebu, Quirino, Tarlac atbp.
- Latest
- Trending



















