^

Probinsiya

Bar owner arestado sa gun ban

- Dino Balabo -

MALOLOS CITY, Philippines  — Isang 59-anyos na bar owner sa Meycauayan City, Bulacan ang kauna-una­hang nalambat ng pulisya sa pagpapatupad ng Comelec gun ban ka­hapon ng ma­daliang-araw kaugnay ng nalalapit na pambansang Barangay at SK elections.

Pormal na kinasuhan ni P/Senior Supt. Fernando Villanueva, ang suspek na si Rolando Rivera, may-ari ng Star Rock KTV Bar at nakatira sa Bgy. Perez sa nasabing lungsod.

Si Rivera ay naaresto sa inilatag na checkpoint ng pulisya ng Meycauayan City sa pamumuno ni P/Supt. Noli Pacheco, isang oras matapos ipatupad ang Comelec gun ban.

Nasamsam kay Rivera ang isang automatic Carbine rifle na may serial number 68454, magazine assembly na kargado ng mga bala.

Una rito, ipinangako ni Villanueva ang maigting na pagpapatupad ng gun ban sa 21 bayan at tatlong lung­sod ng Bulacan matapos na pagbabarilin at nakalig­tas sa kamatayan ang ka­pitan ng barangay sa bayan ng Baliuag noong Hu­webes ng gabi.

BULACAN

COMELEC

FERNANDO VILLANUEVA

MEYCAUAYAN CITY

NOLI PACHECO

ROLANDO RIVERA

SENIOR SUPT

SHY

SI RIVERA

STAR ROCK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with