^

Probinsiya

Cargo handlers, nagpaunlad sa Subic Bay Freeport

- Ni Alex Galang -

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines – Bilang patunay na nag­tagumpay ang pribadong cargo handlers sa inilagay na milyong kapital, umunlad ang international cargo seaport ng Subic Freeport katuwang ang pakinabang ng ipinagkaloob ng Subi Bay Metropolitan Authority (SBMA).

“Sa loob ng dalawang dekada, malaki na ang puhunan namin para mapasimulan at mapaunlad ang cargo handling industry sa Subic,” pahayag ni Mario Lorenzo A. Yapyoco, pangulo ng Amerasia International Terminal Services, Inc.

Bukod sa AITSI, kabilang sa mga nagpaunlad sa Subic Bay Freeport ay ang Subic Seaport Terminal Inc. (SSTI), Megal Subic Terminal Services Inc. (MSTSI0 at iba pang cargo handling companies na umabot sa P115 milyong ang nailagak na puhunan sa pinakahuling sampung taon.

 “Bumili kami at naglagay ng malalaki at mamahaling gamit para matupad ang pangarap ng SBMA na maging maunlad na international cargo terminal seaport,” dagdag pa ni Yapjoco.

Sa 15 taong nakalipas, aabot sa P400 milyon ang naibigay ng AITSI sa SBMA para sa iba’t ibang fees, kabilang ang parte ng SBMA sa kita ng AITSI sa cargo handling.

Noong 2007, nakakuha ang AITSI ng 25-year contract sa SBMA kung saan planong magtayo ng P90-milyong halaga ng bodega. Mula sa makabagong voneryor system, bagging machines at mga heavy equipment ay aabot na sa P300 milyon ang nailagak ng SSTI sa SBMA sa loob ng sampung tan.

vuukle comment

AMERASIA INTERNATIONAL TERMINAL SERVICES

BILANG

BUKOD

BUMILI

MARIO LORENZO A

MEGAL SUBIC TERMINAL SERVICES INC

SUBI BAY METROPOLITAN AUTHORITY

SUBIC BAY FREEPORT

SUBIC FREEPORT

SUBIC SEAPORT TERMINAL INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with