Misis nilason ng lover sa motel
RIZAL, Philippines — Nasawi ang isang 40-anyos na misis makaraang malason sa loob ng kuwarto ng motel kasama ang kanyang lover na sundalo, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Tanay, Rizal.
Namatay habang isinusugod sa Tanay General Hospital si Rowena Rivera ng Sitio Balimbing, Barangay Plaza Aldea sa bayang nabanggit.
Pansamantala namang pinipigil sa himpilan ng pulisya si T/Sgt. Joel Torno, 47, may asawa, miyembro ng Philippine Army na nakabase sa 2nd Infantry Division, Camp Capinpin at residente ng Chipeco Subd. Barangay Buboy sa bayan ng Nagcarlan, Laguna.
Lumilitaw sa police report, na nag check-in ang dalawa sa Don Pedro Hotel sa Sitio Bukal, Barangay Tandang Kutyo subalit makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang suspek at humingi ng tulong sa mga staff ng hotel.
Kaagad namang ru mesponde ang mga ito at inabutan ang biktima na nakahiga sa kama at bumubula na ang bibig at ilong.
Inaalam pa ng pulisya ang uri ng kemikal na ginamit sa biktima para mamatay.
- Latest
- Trending