^

Probinsiya

8 pulis todas sa NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Walong alagad ng ba­tas ang kumpirmadong napas­lang makaraang pasabu­gan ng landmine at ratratin ng rebeldeng New People’s Army ang patrol vehicle ng PNP sa bulu­bun­duking bahagi ng Ba­rangay New Imelda sa bayan ng Catar­man, Sa­mar kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga na­sawi ay sina Catarman de­puty chief of police Senior Inspector Nicasio San Antonio, SPO3 Junito Julio, SPO1 Juancho Estiron, PO2 Marlon Estrimera, PO2 Marcial Velardi, PO1 Arnel Saludario, PO2 Ro­del Balag at si PO1 Edgar Catunhay.

“The victims particularly P/Senior Inspector San Antonio were beyond re­cognition due to the impact of 2 landmine which exploded simultaneously and followed by a volume of fire,” ani P/Senior Supt. Brigido Unay, provincial director ng Northern Samar Provincial Police Office sa phone interview.

Lumilitaw na nag-report sa himpilan ng pulisya ang isang Editha Natividad ka­ug­nay sa pamamaril at pag­patay ng mga rebelde kay Brgy. Kagawad Rolan­do De­guia sa nabanggit na barangay.

Agad naman rumes­ponde ang grupo ng pulis­ya sa pamumuno ni San Antonio lulan ng Toyota Hi Lux patrol car subalit pag­sapit sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar ay sumabog ang dala­wang patibong na land­mine at kasunod nito ay sunud-sunod na putok ng mala­lakas na kalibre ng baril mula sa rebeldeng naka­posisyon sa gubat.

Samantala, tinangay ng mga rebelde sa pamu­muno ni Salvador “Ka Gahi” Nor­dan sa kanilang pagtakas ang pitong baril ng mga pulis at apat na M16 Ar­malite rifles. Inila­tag na ang hot pursuit operations ng PNP at Army’s 802nd   Infantry Brigade ni Col. Oscar Lopez at 803rd Infantry Brigade ni Col. Arnulfo Atendido dala ang mga K9 dog kung saan may back-up na elite forces ng Scout Rangers, K 9 teams, gamit ang 2 helicopter laban sa grupo ni Nordan.

ARNEL SALUDARIO

ARNULFO ATENDIDO

BRIGIDO UNAY

EDGAR CATUNHAY

EDITHA NATIVIDAD

INFANTRY BRIGADE

JUANCHO ESTIRON

JUNITO JULIO

KA GAHI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with