^

Probinsiya

Kinidnap na nurse nasagip

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sa loob lamang ng 24 oras, nailigtas ng mga aw­toridad sa kamay ng mga kidnapper ang isang nurse na anak ng dean ng isang unibersidad sa Da­gupan City sa isinagawang rescue operations sa Agoo, La Union, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay Supt. Romeo Caramat Jr., Director ng Da­gupan City Police, ban­dang alas-9 ng umaga ni­tong Sabado ng masagip ang biktima sa simbahan sa Agoo, La Union.

Bago ito ay dumulog kamakalawa ng gabi ang pamilya ng 26-anyos na biktimang ipinatago ng pamilya nito sa pangalang Dorothy sa takot na buwel­tahan ng mga kidnappers hinggil sa pagdukot sa kanilang anak na hinihi­ngan pa ng P1 M ransom.

Ang biktima ay nagpa­alam pa sa kaniyang mga magulang na mag­sho-shopping sa Nepo Mall sa Dagupan City pero na­ bigo ng makabalik ng ka­nilang tahanan hang­gang sa ku­montak ang mga kidnapper.

Nang matunton ang ki­naroroonan ng biktima ay agad na nagsagawa ng rescue operations ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakabawi dito matapos na abandonahin ng mga kidnappers.

vuukle comment

AGOO

AYON

CITY POLICE

DAGUPAN CITY

LA UNION

NANG

NEPO

ROMEO CARAMAT JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with