Misis tinodas, pulis nag-suicide
MANILA, Philippines - Pinagbabaril muna hanggang sa mapatay ng selosong pulis ang kanyang misis bago ito nag-suicide sa loob ng kanilang tahanan sa Luzville Subdivision sa Davao City kamakalawa.
Kinilala ang misis na napaslang na si Marife Ayop Concepcion, 35, habang nagbaril naman sa sintido si P02 Godofredo Concepcion, 47, nakatalaga sa Camp Catitipan sa Davao City.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa bahay ng mag-asawa sa Block 26, Lot 27, bandang alas-5:45 ng umaga.
Lumilitaw na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa magkulong sa kanilang kuwarto kung saan ilang minuto ang nakalipas ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.
Napilitan naman ang mga anak na buksan ang kuwarto ng kanilang mga magulang at tumambad sa kanila ang duguang ina habang isinugod naman sa Southern Philippine Medical Center ang ama subalit namatay din.With trainees Rafael Zapanta/Mary Ann Chua
- Latest
- Trending