^

Probinsiya

Karnaper dedo sa shootout

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines — Napaslang ang isang miyembro ng carnapping group makaraang makipagbarilan sa pulisya sa inilatag na checkpoint kahapon ng umaga sa Brgy. Malhacan sa Meycauayan City, Bulacan. Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Villanueva, ang napatay na si Rommel Gabriel, 39, ng Brgy. Karuhatan, Valenzuela City at sinasabing kasapi ng grupong Raymond Dominguez na responsable sa serye ng carnapping sa Bulacan at karatig pook. Ayon kay P/Supt. Noli Pacheco, nabawi kay Gabriel ang kinarnap na Toyota Revo (XMH 917) ni Carmelita Manalang ng Cainta, Rizal. Sa tala ng pulisya, ang grupo ni Gabriel ay responsable rin sa pagkawala ng Isuzu D-Max (XTF368) ni Thomas Canlas na kinarnap sa Brgy. Bacolor, Pampanga noong Hunyo 25, 2010 at ang Toyota Vios (SHV 134) ni Councilor Susan Dulalia na kinarnap naman sa Brgy. Libtong, Meycauayan City noong Hulyo 8, 2010.

BRGY

BULACAN

CARMELITA MANALANG

COUNCILOR SUSAN DULALIA

FERNANDO VILLANUEVA

ISUZU D-MAX

MEYCAUAYAN CITY

NOLI PACHECO

RAYMOND DOMINGUEZ

ROMMEL GABRIEL

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with