P50-milyong 'damo' sinunog
MANILA, Philippines - Umaabot sa P50 milyong halaga ng marijuana ang sinunog matapos ang operasyon sa bulubunduking bahagi ng Barangay Caoayan, sa bayan ng Sugpon, Ilocos Sur kamakalawa. Bandang alas-11:30 ng tanghali nang salakayin ng pinagsanib na tauhan ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency ang malawak na taniman ng marijuana sa Sitio Nagawa.
Aabot sa 250,000 puno ng marijuana ang winasak ng mga operatiba habang nasa 20,000 ang mga binhi at maliban pa sa bultu-bultong mga bagong sibol. Sinunog mismo ng mga operatiba ang nasamsam na marijuana habang ang iba naman ay dinala sa himpilan ng Ilocos Sur Provincial Police Office para gamiting ebidensya sa korte. (with trainees Rafael Zapanta/ Mary Joy Mondero)
- Latest
- Trending