^

Probinsiya

Tulak ng shabu tiklo

- Ni Boy Cruz -

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines — Naaresto ang isang tulak ng shabu sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Ban­cal Extension kama­kalawa ng gabi.

Hindi na nakapalag pa sa mga tauhan ni P/Supt.Noli Pacheco ang suspek na si Leonardo Mental alyas Butchukoy 28, residente ng Yakal St. sa naturang lugar habang inaabot nito ang ilang gramo ng shabu na kanyang ibinebenta sa isang poseur buyer na pulis.

Base sa ulat na isinumite kay Provincial Director Sr. Supt. Fernando Villanueva, dakong alas-7:15 kama­kalawa ng gabi ay nagsa­gawa ng isang buy-bust ope­ration ang lokal na drug enforcement unit maka­raang tumanggap ng rekla­mo laban sa pag­be­benta ng droga ng suspek.

Narekober sa suspek ang ilang gramo ng shabu at drug paraphernalias sa isinagawang buy-bust o­perations.

Nakumpiska din sa sus­pek ang P1,500 na kinita sa pagbebenta ng shabu at marked money, isang replica ng 9mm na baril at apat na bala ng kalibre 38 baril.

vuukle comment

BARANGAY BAN

BULACAN

BUTCHUKOY

FERNANDO VILLANUEVA

LEONARDO MENTAL

NAARESTO

NOLI PACHECO

PROVINCIAL DIRECTOR SR. SUPT

SHY

YAKAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with