Jeepney niratrat: 4 katao dedo
MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng apat na sibilyang lulan ng pampasaherong jeepney makaraang pagbabarilin ay pinagtataga pa ng mga bandidong Abu Sayyaf Group kung saan anim iba pa ang malubhang nasuga tan sa panibagong paghahasik ng lagim sa bayan ng Su misip, Basilan kamakalawa.
Sa text message, kinilala ni P/Senior Supt Antonio Mendoza ang mga nasawi na sina Salsijan Ampuan Sali, 22; Weng Circulado, 35, driver ng jeepney; Solis Aspalun, 17; at isang alyas Ibang.
Nasa Basilan Community Hospital ang mga sugatang sina Hamid Hasilun, 45; at Nurjied Muhajilon,10.
Naganap ang pananambang sa kahabaan ng Sitio Stardust, Brgy. Tubigan, Maluso kung saan lulan ang mga biktima ng pampasaherong jeepney patungong Cabcaban, Basilan mula sa Isabela City.
Ayon sa ulat, dalawa ang kaagad na nasawi habang ang dalawa na lumundag mula sa jeep ney ay niratrat at pinagtataga.
Nakaligtas naman ang isang10-anyos na lalaki matapos pagtatagain ng mga bandidong kaagad naman tumakas mata pos mamataan ang tropa ng militar.
- Latest
- Trending