^

Probinsiya

2 laborer hinoldap, pinatay

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  — Dalawang laborer ng PBO Construction sa Hal­sema Highway sa Mt. Province ang pinatay ma­ta­pos na holdapin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Ed­mund Ri­vera, 34, driver at Ben Balasi, 41, heavy equip­ment operator, kapwa residente ng Tabuk Kalinga.

Ayon kay Sr. Supt. For­tunato Albas, Mt. Province police provincial director, sina Rivera at Balasi ay kapwa em­pleyado ng PBO Construction na nama­mahala sa reha­bilitasyon ng P1.2 billion Bontoc-Kalinga national road na bahagi ng Halsema Highway na kasalukuyang pangu­nahing proyekto ng gobyerno.  

Dakong alas-10:00 kama­kalawa ng gabi naganap ang insidente habang nagla­lakad pauwi ang mga biktima sa ka­ni­lang quarters nang sundan sila umano ng mga suspek at pagbabarilin sa magubat na bahagi ng sitio Tabrak, Barangay Anabel, Sa­danga Mt. Province.

Ayon pa kay Albas, ilan sa mga katrabaho umano ng mga biktima ang naka­rinig sa magkakasunod na putok ng baril subalit hindi umano nila ito pinansin sa pag-aakala na ang mga putok ay galing sa tropa ng militar na nasa nasasa­kupan ng lugar.

Nadiskubre na lamang ang mga bang­kay ng dala­wang biktima na may mga tama ng bala ng baril sa ba­wat ulo at dibdib.

Nakuha ng mga aw­to­ridad sa pinang­yarihan ng kri­men ang walong basyo ng M16 rifle at bahagi ng bungo ng mga biktima. Nawawala din ang mga wallet at maha­halagang gamit ng mga bik­tima.

AYON

BARANGAY ANABEL

BEN BALASI

HALSEMA HIGHWAY

MT. PROVINCE

NUEVA VIZCAYA

SHY

SR. SUPT

TABUK KALINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with