^

Probinsiya

Anak dedo kay tatay

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

CABANATUAN CITY , Philippines  — Nabaril at napatay ng isang ama ang kanyang anak nang gumanti ito sa ginawang pananaga sa kanya ng biktima makaraang makainom ang mga ito ng alak sa kanilang tinutuluyang bahay sa Barangay Plaridel, bayan ng Llanera, Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Senior Supt. Ricardo Marquez, Nueva Ecija Police provincial director, nakilala ang nasawi na si Danilo Lagayan Jr., 19, samantalang arestado naman ang ama nitong si Danilo Sr., 46, magsasaka. Kasalukuyang nakakulong ito sa Llanera Municipal Jail.

Ginagamot naman ang ina ng biktima na si Remedios 44, na tinamaan ng bala sa kanyang tiyan, nang tinangka nitong awatin ang kanyang mag-amang nag-aaway.

Nabatid sa imbestigasyon na dakong alas-7 ng gabi, nang mag­karoon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama na nag-iinu­man na humantong sa pagdampot ng jungle bolo (itak) ng bik­tima at tinaga ang ama na tinamaan sa kaliwang braso at balikat. Nakatakbo naman ang suspek su­balit lingid sa ka­alaman ng biktima ay may hawak na baril ang ama.

Dito ay binaril ng dalawang ulit ng suspek ang anak. Na­rekober ang ginamit na 20-inch jungle bolo ngunit hindi ang baril na na­kapatay sa biktima na ayon sa suspek ay inihagis niya ito sa ilog. 

vuukle comment

BARANGAY PLARIDEL

DANILO LAGAYAN JR.

DANILO SR.

LLANERA MUNICIPAL JAIL

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA POLICE

RICARDO MARQUEZ

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with