^

Probinsiya

Bangko nilooban: P.7 milyon natangay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit P700,000.00 ang natangay ng tatlong pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang makaraang looban ang isang bangko sa naganap na insidente sa bayan ng Jimenez, Misamis Occidental kamakalawa. Ayon sa ulat ng Police Regional Office (PRO)10, bandang alas-11:45 ng umaga nang holdapin ng mga suspect ang 1st Valley Bank na matatagpuan sa Agora Public Market sa bayan ng Jimenez. Lumilitaw sa im­­bes­tigasyon na nagpanggap na mga kustomer ng bangko ang mga suspect hanggang sa mabilis na tinutukan ng baril ang guwardiya ng bangko at pagpasok sa loob ay nag­deklara ng holdap. Tumakas ang mga suspect patungo sa direksiyon ng bulubunduking bahagi ng bayan ng Sina­caban, Misamis Occidental. Isa naman sa mga suspect ay nakilala ng mga testigo na si Kalung Alicando na ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad at maging ang mga kasamahan nito.

vuukle comment

AGORA PUBLIC MARKET

AYON

ISA

JIMENEZ

KALUNG ALICANDO

LUMILITAW

MISAMIS OCCIDENTAL

POLICE REGIONAL OFFICE

VALLEY BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with