Kumander ng peacekeeper silat sa ambus
MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas sa pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army ang kumander ng AFP peacekeeper sa panibagong paghahasik ng lagim sa Barangay Gaid sa bayan ng Dimasalang, Masbate kahapon ng umaga.
Ayon kay Major Harold Cabunoc, spokesman ng Army’s 9th Infantry Division, nakaligtas si Col. Lope Dagoy, commander ng Army’s 85th Infantry Battalion (IB), dating AFP peacekeeping contingent sa Haiti na idineploy sa Masbate noong Abril sa pagbabalik ng mga ito sa bansa.
Lumilitaw na bumabagtas ang KM 450 military truck na sinasakyan nina Dagoy nang ratratin at binomba ng mga rebelde.
Sinabi ni Dagoy na masuwerte na lamang at sumablay ang pagsabog ng bomba sa pagdaraan ng kanilang sasakyan kung saan patungo sana sa Masbate City para dumalo sa pagsusurender ng 20 armas ni Lakas-Kampi-CMD re-electionist Congressman Narciso Bravo Jr.
- Latest
- Trending