Gusali gumuho: 5 manggagawa pisak
MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng limang manggagawa sa construction site makaraang madaganan ng lupa na gumuho mula sa unang palapag ng gusali na kanilang hinuhukay sa isang subdivision sa Barangay Agusan sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng hapon.
Idineklarang patay sa ospital si Eladio Tagle habang namatay naman sa construction site sina Philip Goyo,19; Arman Cabasan, 22; Danny Loay, 18 ; at si Boning Abalo na pawang manggagawa ng Design Settlers Company Inc.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Benedicto Lopez na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na abala ang mga biktima sa paghuhukay sa construction site sa ginagawang Taekwood Subdivision nang maganap ang trahedya.
Nabatid na gumuho ang unang palapag na may sukat na 8 metrong lalim sa gusaling itinatayo kung saan dumagan sa mga biktima.
Kaugnay nito, ipinatawag na ng mga awtoridad ang mga opisyal ng subdivision project upang mabigyang linaw ang insidente na posibleng may kapabayaan ang mga ito na humantong sa trahedya.
“We are now looking if there are negligence on the Design Setters Company Inc., the construction firm working on the project,” pahayag ni Lopez.
- Latest
- Trending