^

Probinsiya

Prayer vigil inararo: 4 dedo, 7 sugatan

-

MANILA, Philippines - Apat-katao kabilang ang tatlong bata na sina­sabing kasama sa prayer vigil ang kumpirmadong nasawi makaraang maipit sa dalawang sasakyang nagsalpukan na ikinasugat naman ng pitong iba pa noong Biyernes ng gabi sa kahabaan ng highway sa Barangay Fortaleza sa ba­yan ng Tuburan, Cebu.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Janine Oros, 10; Janine Tahanlangit, Jessica Sayson,14; at si Levi Tapil, 34, na namatay sa Tu­buran Hospital.

Samantala, sugatan na­man sina Daisy Mae Tapil, 12; Richard Tapil, 5; Jamse Lester Gecain, 10; at si Gina Tapil, 34.

Nabatid na ang pitong sugatan ay isinugod sa os­pital sa tulong ng pampa­sa­herong Corominas Bus Liner na naparaan sa na­bang­git na lugar.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, kasalukuyang abala sa prayer vigil ang grupo ng mga sibilyan ng magsal­pukan ang kulay dilaw na pick-up Nissan Frontier na may plakang GTF -758 ni Anthony Cabintoy at ang motorsiklong (6472) na nakaparada sa gilid ng highway at isa pang tray­sikel.

Matapos suyurin ng pick-up ang motorsiklo ay inararo rin nito ang mga residente na nagsasagawa ng prayer vigil.

Patuloy naman ang manhunt operations ng mga awtoridad sa tumakas na drayber ng pick-up na si Cabintoy na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property, multiple homicide and serious physical injuries. Joy Cantos

vuukle comment

ANTHONY CABINTOY

BARANGAY FORTALEZA

CAMP CRAME

COROMINAS BUS LINER

DAISY MAE TAPIL

GINA TAPIL

JAMSE LESTER GECAIN

JANINE OROS

JANINE TAHANLANGIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with