^

Probinsiya

4 tiklo sa pagnanakaw ng krudo

-

LAGUNA , Philippines — Apat na ka­la­lakihan na pinaniniwa­laang miyembro ng Paihi Gang ang dinakma ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ma­karaang maaktu­hang nag­nanakaw ng galung-galong krudo ka­makalawa sa bayan ng Bi­ñan, Laguna.

Pormal na kinasuhan sina Luis Guanzon, Jr. ng In­dang, Cavite; Ricardo Albay ng Ala­bang, Muntinlupa City; Salvador Reyes at Christopher Va­lendia, kapwa naka­tira sa Bi­ñan, Laguna.

Ayon kay Atty. Olivo Ra­mos, hepe ng NBI Laguna District Office, nagbunsod ang operasyon dahil sa re­kla­mo ng negosyanteng si Juanita Ilaya na may-ari ng Jan R Transport sa Dasma­riñas, Cavite.

Ayon kay Ilaya, nalulugi na ang kanyang kompanya ng halagang P.3 milyong diesel mula nang mag-operate ang mga suspek simula pa noong 2009.

Sa inilatag na operas­yon ng NBI, namataan ang mga suspek habang nagsasalin ng diesel mula sa dala nilang sasakyan patungo sa sasak­yan ng sindikato sa Biñan.

Nabatid na sina Guan­zon at Abay ay drayber ng Jan R Transport kung saang regular na puma­parada sa gara­he na pag-aari naman ni Re­yes sa Barangay Malamig, Binan.

Nakarekober ang NBI ng mga galon ng diesel sa van ni Valendia at maging sa garahe ni Reyes. Arnell Ozaeta

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY MALAMIG

CAVITE

CHRISTOPHER VA

JAN R TRANSPORT

JUANITA ILAYA

LAGUNA DISTRICT OFFICE

LUIS GUANZON

MUNTINLUPA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with