2 sundalo dedo sa patibong
MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang nasawi habang isa pa ang nasugatan makaraang sumabog ang patibong na bomba ng mga pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Barangay Pamatsaken, Sumisip, Basilan nitong Biyernes ng umaga.
Gayunman, pansamantala munang hindi tinukoy ni Army Spokesman Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. ang mga pangalan ng dalawang nasawing sundalo dahil kailangan pang sabihan ang pamilya ng mga ito.
Isinugod naman sa pagamutan ang isa pang nasugatang biktima para malapatan ng lunas.
Sinabi ni Burgos na dakong alas-6:20 ng umaga, nagsasagawa ng combat clearing patrol ang mga elemento ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army nang sumabog ang isang Improvised Explosive Device. Joy Cantos
- Latest
- Trending