UNICEF man tinodas
MANILA, Philippines - Isang empleyado ng United Nations International Children’s Emergency Fund ang nasawi nang pagbabarilin ng mga armadong salarin habang nagte-text siya sa kanyang cell phone sa Poblacion 2, Parang, Maguindanao kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Nestor Bulahan, nasa hustong gulang at empleyado ng UNICEF na nakadestino sa Cotabato. Naganap ang insidente sa kahabaan ng Old Parang Terminal, Poblacion 2 dakong alas-10:30 ng umaga. Nauna rito, nakasakay ang biktima sa isang tricycle habang nagte-text nang pagbabarilin ng suspek. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending