Aleman hulog sa drainage, dedo
MANILA, Philippines - Isang Aleman na sinasabing lango sa alak ang iniulat na nasawi makaraang nahulog sa drainage ng beach resort kamakalawa ng madaling-araw sa Purok Lapu-Lapu, Barangay Dawis sa Digos City, Davao del Sur. Nakilala ang biktima base sa nakuhang identification card at rekord sa resort na si Klauz Thomas Schonath Urbanetz. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, huling nakitang buhay ang biktima noong Linggo ng hatinggabi na pasuray-suray na naglalakad matapos makipag-inuman sa kaniyang kaibigang si Michael Plabusch. Napag-alamang may ilang araw na pinaghahanap ang biktima kung saan natagpuan naman ng caretaker na si Arlyn Curayag. Joy Cantos
- Latest
- Trending