Simbahan pinasabog
MANILA, Philippines - Niyanig ng malakas na pagsabog ang abandonadong simbahan kahapon ng madaling-araw sa Barangay Talon-Talon sa Zamboanga City kahapon ng madaling araw. Sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alauna ng madaling- araw sa loob ng lumang compound ng San Isidro Labrador Church kung saan nagulantang ang mga residente. Wala namang nasugatan sa insidente bagaman nasira ang bakal na bakod ng simbahan. Kaagad naman nagtungo ang mga awtoridad sa nabanggit na lugar upang imbestigahan kung saan narekober ang liham na naka-address kay Zamboanga City Mayor Celso Lobregat. Tumanggi naman ang mga otoridad na tukuyin ang nilalaman ng nasabing liham na hawak ngayon ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives. Joy Cantos
- Latest
- Trending