^

Probinsiya

11 humabol sa Undas, 23 sugatan

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Umaabot  sa 11-katao ang iniulat na nasawi habang 23 iba pa ang na­sugatan makaraang mahu­log sa malalim na bangin ang pampasaherong bus na sinasabing naunang sumalpok sa dalawang sasakyan sa naganap na trahedya kahapon ng ma­daling-araw sa Barangay Tagaran Cauayan City- Isabela.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:15 ng madaling-araw nang maganap ang trahedya kung saan bu­mangga muna ang Dagu­pan Bus na may body #168 (AHV 765) sa kasalubong na kulay puting Toyota Hilux at isa pang Isuzu Dmax bago tuluyang bu­mulusok sa bangin na may 40 metro ang lalim.

Walo-katao ang nama­tay sa bus, isa naman sa To­yota Hi-lux habang da­ lawa ang namatay sa Cauayan District Hospital at Ester Garcia General Hospital.

Sinabi ni P/Supt. Da­nilo Aserit, hepe ang Cauayan PNP, kabilang sa mga na­kuhang nasawi ay ang isang 9-buwan gulang, Ro­berto Bulisay, Thelma Lo­zano, Freddie Agustin, driver ng bus; Mamerto Daturan, dray­ber ng Toyota Hi-Lux at si Per­lito Bautista ng Ba­rangay Guayabal, Cauayan City.

Batay sa ticket ng Bus na narekober ng pulisya, aabot sa 33 pasahero ang lulan nito bukod ang dray­ber, co-driver at pahi­nante.

Nakilala ang ilang pa­sahero ng Dagupan Bus Liner na sina Rogelio Gu­mahong, Sarina Dayril, Grace Gruco, Maurece Gruco, Elena Bariuag, Mar­lon Sinampan, Maxima Adriano, Jovy Bariuag, Susan Castro Gosi, Marce­ lina De Guzman, Maria Pelo­dello, Ma Zenaida Adriano, Estelita Ignacio, Maxima Tabaldo, Nestor Galapon, Rodolfo Gala­pon, Sixto Galapon at si Leo Ramos.

Kabilang naman sa mga sakay ng dalawang sasak­yan ay sina Perlito Bau­tis­ta, Rey Cacal, Joel Binwag at si Daturan na pawang kawani ng Universal Leaf Corp. Philippines na naka­base sa nabanggit na lung­sod.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, lumilitaw na pag­sapit sa tulay ng Dagupan Bus mula sa Cubao, Que­zon City ay sumalpok sa kasalubong na Hi-lux at D-max pick-up na nagmula naman sa bayan ng Bur­gos, Isabela.

Napag-alamang naki­pag­lamay sa patay ang mga pasahero ng dala­wang sasakyan at papauwi sa Cauayan City nang ma­kasalubong si kamatayan. Dagdag ulat ni Ricky Tulipat

BARANGAY TAGARAN CAUAYAN CITY

BUS

CAUAYAN CITY

CAUAYAN DISTRICT HOSPITAL

DAGUPAN BUS

DAGUPAN BUS LINER

DE GUZMAN

ELENA BARIUAG

ESTELITA IGNACIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with