^

Probinsiya

Pagsabog ng San Roque Dam, kalokohan

-

MANILA, Philippines - Lalong nagpanic ang mga residente ng Pangasinan makaraang kumalat sa text messages na sasabog na ang San Roque Dam  sa gitna na rin ng dinaranas na matinding trahedya dulot ng Supertyphoon Pepeng.

Dismayado naman ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa mga iresponsableng tao na nag­ papakalat ng nasabing im­por­masyon hinggil sa pag­sabog ng San Roque Dam sa Pangasinan kung saan ayon sa mensahe ay  lulubog rin sa matinding flashflood  ang Tarlac. 

Tiniyak naman ni NDCC spokesman Lt. Col. Ernesto Torres Jr. na walang katoto­hanan ang kumakalat na text messages na may bitak ang San Roque Dam at sasabog  na ito anumang oras.

“Di totoo ang message na sumabog ang San Roque Dam ... Kaya nakikiusap ako sa lahat lalo na sa mga residente ng Pangasinan na apektado ng pagbaha na huminahon at huwag mag­panic,” paliwanag ni Torres. 

Sa kabila nito, kinum­pirma naman ni Torres na may apat na dike ang nawa­sak sanhi ng lakas ng dalu­yong ng  tubig-baha. 

Nabatid na sanhi ng ma­lakas na bolyum ng tubig na rumaragasa dala ng tubig ulan at pinakawalang tubig mula sa Pantabangan Dam, San Roque Dam, Magat at sa Binga Dam ay nabitak ang apat na dike sa bayan ng Villasis at Barangay Amam­perez sa Pangasinan.

Kaya nagresulta ito ng malawakang pagbaha sa Region 1 at Region 3 kung saan nag-collapse na rin ang dike sa Rosales, Pan­ga­­sinan, dike sa Bued River sa Sison, Pangasinan na nag­dulot ng mga pagbaha at maging sa bayan ng Pozor­rubio, San Jacinto, Mangal­dan, Ma­naoag at San Fabian.

Samantala, nawasak din ang Diraydipalog dike sa bayan ng Tayug, Pangasinan kung saan 21 barangay ang lumubog sa baha mula tuhod hanggang baywang.

Napinsala rin ang dike sa San Fabian, na nagdulot ng flashfloods sa pitong Ba­ rangay sa nasabing bayan ng lalawigan.

Nawasak rin ang Bued Bridge na nag-uugnay sa Pangasinan at La Union at hindi ito madaanan sa kasa­lukuyan.

Nabatid din  mula sa San Roque Power Corp. sa kani­lang pinalabas na pahayag na “there is no crack” in the dam subalit aminado sila na patuloy ang ginagawa nilang pagpapakawala ng tubig. Joy Cantos

BARANGAY AMAM

BINGA DAM

BUED BRIDGE

DAM

PANGASINAN

SAN

SAN FABIAN

SAN ROQUE DAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with