Mag-asawang trader minasaker
CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines – Sabog ang bao ng ulo ng mag-asawang may negosyong money lending makaraang pagbabarilin ng dalawang maskaradong kalalakihan sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Masico sa bayan ng Pila, Laguna kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Chief Insp. Pastor Castillo, ang mag-asawa na sina Dante Alladin, 57; at Angelita Alladin, 60, at may mga paupahang apartment sa Quezon City.
Sa inisyal na police report, nasa loob ng kanilang pamamahay ang mag-asawang Alladin at ilang kasambahay nang pasukin ng mga armadong kalalakihan bandang alas-7 ng gabi.
Pinadapa ang lahat ng tao sa nasabing tahanan at itinanong kung sino sina Dante at Angelita saka pinagbabaril ang mga ito kung saan napuruhan sa ulo.
Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa negosyo ang motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon. Arnell Ozaeta, Joy Cantos at Ed Amoroso
- Latest
- Trending