^

Probinsiya

Encounter: 3 MILF, 1 pa todas

-

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Philippine Marine at tatlong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front mula sa breakaway group ang iniulat na napaslang habang siyam iba pang sundalo ang nasugatan sa panibagong sagupaan sa liblib na bahagi ng Panamao, Sulu kahapon ng umaga. Sa ulat ng Joint Task Force Comet, bandang alas -11:30 ng umaga nang tambangan ng mga rebeldeng MILF ni Kumander Habier Malik ang tropa ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11 na pinamumunuan ni Lt. Col. Nani Songgano sa Bitan-ag Junction, sa bayan ng Panamao. Tumagal ng 35 minuto ang bakbakan bago nagsiatras ang mga rebelde na nagkahiwalay-hiwalay ng direksyon. Narekober sa pi­nangyarihan ng sagupaan ang isang 90 Recoiless rifle (RR), dalawang M16 Armalite rifle, isang AK, apat na bala ng 90 RR at mga dokumento ng Islam. Joy Cantos

vuukle comment

ARMALITE

BITAN

JOINT TASK FORCE COMET

JOY CANTOS

KUMANDER HABIER MALIK

MARINE BATTALION LANDING TEAM

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NANI SONGGANO

PANAMAO

PHILIPPINE MARINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with