2 kawani ng city hall lunod
BATAAN, Philippines – Nauwi sa trahedya ang masayang piknik ng mga kawani ng Angeles City Hall makaraang malunod ang magkaibigan sa beach resort noong Sabado ng umaga sa bayan ng Morong, Bataan. Kabilang sa namatay ay sina Lester Tolentino, at Odel de Guzman mga kawani sa mayor’s office ng nabanggit na lungsod. Ayon kay P/Sr.Insp. Francis Siriban, lumilitaw na ang dalawa ay kabilang sa 20 kawani na nagpiknik sa Sunset Beach Resort. Naunang nalunod si Tolentino at tinangka naman sagipin ni De Guzman subalit kapwa tinangay ng malaking alon. Natagpuan ang bangkay ni Tolentino noong Sabado habang si De Guzman ay nadiskubre sa Sitio Panibatuan noong Linggo. Jonie Capalaran
- Latest
- Trending















