^

Probinsiya

Swimmer sa 2009 Ironman 70.3 nalunod

-

MANILA, Philippines - Isa sa manlalaro na kalahok sa 2009 Ironman 70.3 World Championship sa Camarines Sur ang iniulat na nasawi ma­karaang malunod sa kasagsagan ng kompetisyon kahapon ng umaga. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang biktima na si  Miguel Vasquez, 52, presidente ng Permanent Plans Incorporated, at kabilang sa bahagi ng kompetisyon sa Batangas Open Water at aktibong miyembro ng Alamat Relay Team.

Bandang alas-7 ng umaga nang magsimula ang kompe­tisyon na pinaglalabanan ng mga manlalaro mula sa 23 bansa kung saan kabilang ang biktima sa 270 sa kabuuang bilang ng mga triathletes na manlalaro ng bansa.

Napag-alamang humabol ang biktima sa relay team subalit nasa kasagsagan nang paglangoy na sinasabing pinulikat at nalunod.

Naisugod pa ang biktima sa Mother Seton Hospital sa Naga City subalit idineklarang patay habang patuloy naman ang imbestigasyon. (Ricky Tulipat)

ALAMAT RELAY TEAM

BATANGAS OPEN WATER

CAMARINES SUR

CAMP CRAME

MIGUEL VASQUEZ

MOTHER SETON HOSPITAL

NAGA CITY

PERMANENT PLANS INCORPORATED

RICKY TULIPAT

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with