Referee dinukot ng NPA
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang referee sa basketball tournament na sinasabing may matinding atraso ang iniulat na dinukot saka pinaslang ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng gabi sa Barangay Madbad sa bayan ng Cawayan, Masbate.
Nakaposas pa ang dalawang kamay at tadtad ng bala ng baril nang matagpuan ang bangkay ni Ferdinand Reyes, 38, miyembro ng Masbate Basketball Referees Association at residente ng Brgy. Poblacion.
Napag-alamang nagpapahinga ang biktima sa bahay ni Roger Tacuran nang isagawa ang krimen. (Ed Casulla)
- Latest
- Trending